Font Size
Deuteronomio 10:12-14
Ang Biblia (1978)
Deuteronomio 10:12-14
Ang Biblia (1978)
Ipinapayo ang paggalang sa Panginoon.
12 At ngayon, Israel, (A)ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi (B)matakot ka sa Panginoon mong Dios, (C)lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at (D)ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo.
13 Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito (E)sa iyong ikabubuti?
14 Narito, sa Panginoon mong Dios nauukol ang langit, at ang langit ng mga langit, ang lupa, sangpu ng lahat na nangariyan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978