Add parallel Print Page Options

17 Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at (A)Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, (B)na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.

18 (C)Kaniyang hinahatulan ng matuwid ang ulila at babaing bao, at iniibig ang taga ibang lupa, na binibigyan niya ng pagkain at kasuutan.

19 (D)Ibigin nga ninyo ang taga ibang lupa: sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.

Read full chapter