Font Size
Deuteronomio 10:8-10
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 10:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Nang(A) panahong iyon ay ibinukod ng Panginoon ang lipi ni Levi upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon, tumayo sa harapan ng Panginoon, maglingkod sa kanya, at upang magbigay ng basbas sa kanyang pangalan hanggang sa araw na ito.
9 Kaya't ang Levi ay walang bahagi ni mana na kasama ng kanyang mga kapatid; ang Panginoon ay siyang kanyang mana, ayon sa sinabi ng Panginoon mong Diyos sa kanya.)
10 “Ako'y(B) namalagi sa bundok, gaya ng una, apatnapung araw at apatnapung gabi, at ako'y pinakinggan din noon ng Panginoon; ayaw ng Panginoon na puksain ka.
Read full chapter