Add parallel Print Page Options

16 Huwag(A) lamang ninyong kakainin ang dugo; ibubuhos ninyo ito sa lupa na parang tubig.

17 Huwag mong kakainin sa loob ng iyong mga bayan ang ikasampung bahagi ng iyong trigo, o ng iyong alak, o ng iyong langis, o ng mga panganay sa iyong bakahan o sa iyong kawan, ni anuman sa iyong mga ipinangakong handog na iyong ipapanata, ni ang iyong mga kusang handog, ni ang handog na iwinawagayway ng iyong kamay.

18 Kakainin mo ang mga ito sa harapan ng Panginoon mong Diyos sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Diyos, ikaw at ng iyong anak na lalaki at babae, at ng iyong mga aliping lalaki at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga bayan; at ikaw ay magagalak sa lahat ng iyong gagawin sa harapan ng Panginoon mong Diyos.

Read full chapter