Add parallel Print Page Options

Wasakin ninyo ang lahat ng mga dako kung saan naglilingkod sa kanilang diyos ang mga bansang inyong aagawan, sa ibabaw ng matataas na bundok, at sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawat luntiang punungkahoy.

Wawasakin(A) ninyo ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputul-putulin ang kanilang mga haligi, at susunugin sa apoy ang kanilang mga sagradong poste;[a] at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga diyos; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong iyon.

Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Diyos.

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 12:3 Sa Hebreo ay Ashera .