Font Size
Deuteronomio 12:3-5
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 12:3-5
Ang Biblia, 2001
3 Wawasakin(A) ninyo ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputul-putulin ang kanilang mga haligi, at susunugin sa apoy ang kanilang mga sagradong poste;[a] at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga diyos; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong iyon.
4 Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Diyos.
5 Kundi inyong hahanapin ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kanyang pangalan, samakatuwid, sa kanyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon.
Read full chapterFootnotes
- Deuteronomio 12:3 Sa Hebreo ay Ashera .