Font Size
Deuteronomio 15:17-19
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 15:17-19
Ang Biblia, 2001
17 ay kukuha ka ng isang pambutas at butasan mo ang kanyang tainga sa pintuan, at siya'y magiging iyong alipin magpakailanman. Gayundin ang iyong gagawin sa iyong aliping babae.
18 Hindi dapat maging mabigat sa iyo kapag pinalaya mo na siya mula sa iyo, sapagkat sa kalahati ng halaga ng isang upahang alipin ay naglingkod siya sa iyo ng anim na taon, at pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong ginagawa.
19 “Lahat(A) ng panganay na lalaki na ipinanganak sa iyong bakahan at sa iyong kawan ay iyong itatalaga sa Panginoon mong Diyos. Huwag mong pagtatrabahuhin ang panganay ng iyong baka, ni gugupitan ang panganay ng iyong kawan.
Read full chapter