Font Size
Deuteronomio 15:7-9
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 15:7-9
Ang Biblia, 2001
7 “Kung(A) mayroon sa inyong isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, na nasa loob ng iyong mga bayan sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos, ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni maging maramot sa iyong dukhang kapatid;
8 kundi iyo ngang bubuksan ang iyong kamay sa kanya, at papautangin mo siya ng sapat para sa kanyang pangangailangan maging anuman iyon.
9 Pag-ingatan mong huwag mag-isip ng masama, na iyong iisipin, ‘Ang ikapitong taon, na taon ng pagpapatawad ay malapit na;’ at tiningnan mo ng masama ang iyong dukhang kapatid at wala kang ibinigay sa kanya. Siya ay maaaring dumaing sa Panginoon laban sa iyo, at ito'y magiging kasalanan mo.
Read full chapter