Add parallel Print Page Options

13 Kapag ito'y nabalitaan ng lahat, matatakot silang gumawa ng gayunding kasamaan.

Ang Paglalagay ng Hari

14 “Kapag(A) kayo'y naroon na at naninirahan nang maayos sa lupaing ibibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Yahweh, makakaisip kayong magkaroon ng hari, tulad ng mga bansa sa paligid ninyo. 15 Maaari kayong maglagay ng hari, ngunit ang ilalagay ninyo ay iyong pinili ni Yahweh at mula sa inyong lahi. Huwag ninyong gagawing hari ang sinumang dayuhan.

Read full chapter