Add parallel Print Page Options

Ipinagbabawal ang Pagsasakripisyo ng Anak at mga Salamangka

“Pagpasok mo sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos ay huwag kang mag-aaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal na gawain ng mga bansang iyon.

10 Huwag(A) makakatagpo sa iyo ng sinumang nagsusunog sa apoy ng kanyang anak na lalaki o babae bilang isang handog, ng manghuhula, o manggagaway o engkantador, o mangkukulam,

11 o(B) gumagamit ng anting-anting, o nagpapagamit sa masasamang espiritu, o salamangkero, o sumasangguni sa mga patay.

Read full chapter