Font Size
Deuteronomio 19:3-5
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 19:3-5
Ang Biblia, 2001
3 Ihahanda mo ang mga daan at hatiin mo sa tatlo ang lawak ng iyong lupain na ipapamana sa iyo ng Panginoon mong Diyos upang ang bawat nakamatay ng tao ay tumakas patungo roon.
4 “At ito ang kalagayan ng nakamatay ng tao na tatakas doon at mabubuhay: sinumang makapatay sa kanyang kapwa nang di sinasadya, na hindi niya naging kaaway nang panahong nakaraan;
5 gaya ng isang tao na nagtungo sa gubat na kasama ang kanyang kapwa upang pumutol ng kahoy at itinaas ng kanyang kamay ang palakol upang putulin ang punungkahoy, dumulas ang patalim sa hawakan at tumama sa kanyang kapwa kaya't siya ay namatay, siya ay tatakas sa isa sa mga lunsod na iyon at siya'y mabubuhay.
Read full chapter