Add parallel Print Page Options

Iba't ibang mga Batas

15 “Huwag mong ibabalik sa kanyang panginoon ang isang aliping tumakas sa kanyang panginoon at pumunta sa iyo.

16 Siya'y maninirahang kasama mo, sa gitna mo, sa dakong kanyang pipiliin sa loob ng isa sa iyong mga bayan na kanyang nais; huwag mo siyang pagmamalupitan.

17 “Huwag(A) magkakaroon ng bayarang babae[a] sa mga anak na babae ng Israel, ni magkakaroon ng bayarang lalaki[b] sa mga anak na lalaki ng Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 23:17 BAYARANG BABAE: Babaing nagbibili ng panandaliang-aliw sa loob ng templo.
  2. Deuteronomio 23:17 BAYARANG LALAKI: Lalaking nagbibili ng panandaliang-aliw sa loob ng templo.