Add parallel Print Page Options

21 Padadalhan kayo ng Panginoon ng mga salot hanggang sa mamatay kayo roon sa lupain na titirhan at aangkinin ninyo. 22 Pahihirapan kayo ng Panginoon sa sakit na hindi gumagaling, lagnat, pamamaga, mainit na hangin, mahabang tagtuyot,[a] at peste sa mga halaman hanggang sa mamatay kayo. 23 Magiging parang tanso ang langit na hindi magbibigay ng ulan at ang lupa ay matutuyo at magiging kasintigas ng bakal.

Read full chapter

Footnotes

  1. 28:22 mahabang tagtuyot: sa Hebreo, espada.