Font Size
Deuteronomio 30:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 30:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Babaguhin niya at lilinisin ang inyong puso at gayundin ng inyong mga anak upang ibigin ninyo siya nang buong katapatan. Sa ganoon mabubuhay kayo nang matagal. 7 At ang mga sumpang ito'y ipapataw ni Yahweh sa inyong mga kaaway na nagpahirap sa inyo. 8 Muli ninyong papakinggan ang kanyang tinig at susundin ang kanyang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon.
Read full chapter