Font Size
Deuteronomio 32:15-17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Deuteronomio 32:15-17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
15 Naging maunlad ang mga Israelita[a] pero nagrebelde sila.
Tumaba sila at lumakas,
ngunit tinalikuran nila ang Dios na lumikha sa kanila,
at sinuway nila ang kanilang Bato na kanlungan na kanilang Tagapagligtas.
16 Pinagselos nila at ginalit ang Panginoon dahil sa kanilang pagsamba sa mga dios na kasuklam-suklam.
17 Naghandog sila sa mga demonyo na hindi tunay na dios – mga dios na hindi nila kilala at kailan lang lumitaw,
at hindi iginalang ng kanilang mga ninuno.
Footnotes
- 32:15 mga Israelita: sa Hebreo, Jeshurun; ang ibig sabihin, mga matuwid.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®