Add parallel Print Page Options

21 Kinilos(A) nila ako sa paninibugho doon sa hindi diyos;
    ginalit nila ako sa kanilang mga diyus-diyosan.
Kaya't paninibughuin ko sila sa mga hindi bayan;
    aking gagalitin sila sa pamamagitan ng isang hangal na bansa.
22 Sapagkat may apoy na nag-aalab sa aking galit,
    at nagniningas hanggang sa Sheol,
at lalamunin ang lupa pati ang tubo nito,
    at pag-aapuyin ang saligan ng mga bundok.
23 “‘Aking dadaganan sila ng mga kasamaan;
    aking uubusin ang aking pana sa kanila.

Read full chapter