Font Size
Deuteronomio 33:10-12
Ang Biblia (1978)
Deuteronomio 33:10-12
Ang Biblia (1978)
10 (A)Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan,
At ng iyong mga kautusan, sa Israel;
(B)Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo,
At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.
11 Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik,
At (C)tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay;
Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya,
At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli.
12 Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi,
Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya;
Siya'y kakanlungan niya buong araw,
At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978