Font Size
Deuteronomio 4:41-43
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 4:41-43
Ang Biblia, 2001
Mga Lunsod-Kanlungan sa Silangan ng Jordan
41 Nang(A) magkagayo'y ibinukod ni Moises ang tatlong lunsod sa silangan sa kabila ng Jordan,
42 upang ang nakamatay ng tao ay makatakas patungo doon, na nakamatay sa kanyang kapwa na hindi sinasadya, na hindi niya naging kaaway nang nakaraan; na sa pagtakas sa isa sa mga lunsod na ito ay maaari niyang iligtas ang kanyang buhay:
43 Ang Bezer sa ilang, sa kapatagang lupa na para sa mga Rubenita; at sa Ramot sa Gilead na para sa mga Gadita; at ang Golan sa Basan na para sa mga anak ni Manases.
Read full chapter