Font Size
Deuteronomio 6:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 6:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Ang mga ito'y ibinigay sa inyo ni Yahweh at sa inyong mga anak at sa mga susunod na salinlahi upang magkaroon kayo ng takot sa kanya. Kung ito'y susundin ninyo, hahaba ang inyong buhay. 3 Kaya nga, pakinggan ninyo ito at sunding mabuti. Kung magkagayo'y sasagana kayo, at darami ang inyong lahi pagdating ninyo sa lupaing ipinangako ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, sa lupaing mayaman at sagana sa lahat ng bagay.
4 “Pakinggan(A) mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh.[a]
Read full chapterFootnotes
- 4 Si Yahweh…tanging Yahweh: o kaya'y Si Yahweh ang ating Diyos, si Yahweh ay iisa, o Si Yahweh na ating Diyos, si Yahweh ay iisa lang .