Font Size
Deuteronomio 7:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 7:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
19 ang malalagim na salot na kanyang ipinadala, at ang mga kababalaghang ipinakita niya nang ilabas niya kayo roon. Ganoon din ang gagawin niya sa mga taong iyan na kinatatakutan ninyo. 20 Maliban diyan, si Yahweh na inyong Diyos ay magpapadala ng kaguluhan[a] sa kanila hanggang sa lubusang malipol pati iyong mga nakapagtago at ang mga pugante. 21 Hindi kayo dapat matakot sa kanila sapagkat kasama ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh, ang dakila at makapangyarihang Diyos.
Read full chapterFootnotes
- 20 kaguluhan: o kaya'y putakti .