Add parallel Print Page Options

Kundi(A) ganito ang inyong gagawin sa kanila: gigibain ninyo ang kanilang mga dambana, inyong pagpuputul-putulin ang kanilang mga haligi, inyong ibubuwal ang kanilang mga sagradong poste,[a] at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.

“Sapagkat(B) ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Diyos; pinili ka ng Panginoon mong Diyos upang maging kanyang sariling pag-aari, mula sa lahat ng mga bayan na nasa balat ng lupa.

Kayo'y inibig at pinili ng Panginoon hindi dahil sa kayo'y mas marami kaysa alinmang bayan ni sapagkat kayo ang pinakakaunti sa lahat ng mga tao;

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 7:5 Sa Hebreo ay Ashera .