Deuteronomio 9:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Isang bayang malaki at mataas ng mga (A)anak ng Anaceo, na iyong nakikilala, at tungkol sa kanila ay narinig mong sinasabi, Sinong makatatayo sa harap ng mga anak ni Anac?
3 Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay (B)siyang mangunguna sa iyo na parang (C)mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; (D)sa gayo'y iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon.
4 (E)Huwag kang magsasalita sa iyong puso, pagkatapos na mapalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, na iyong sasabihin, Dahil sa aking katuwiran ay ipinasok ako ng Panginoon upang ariin ang lupaing ito; na (F)dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas ng Panginoon sila sa harap mo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978