Font Size
Eclesiastes 1:7-9
Ang Biblia (1978)
Eclesiastes 1:7-9
Ang Biblia (1978)
7 (A)Lahat ng mga ilog ay humuhugos sa dagat, gayon ma'y hindi napupuno ang dagat; sa dakong hinuhugusan ng mga ilog, doon din nagsisihugos uli ang mga yaon.
8 Lahat ng mga bagay ay puspos ng pagaalapaap; hindi maisasaysay ng tao: (B)ang mata ay hindi nasisiyahan ng pagtingin, ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig.
9 (C)Yaong nangyari ay siyang mangyayari; at yaong nagawa ay siyang magagawa: at walang bagong bagay sa ilalim ng araw.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
By Philippine Bible Society