Add parallel Print Page Options

13 At ang bawa't tao rin naman ay marapat kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa, (A)siyang kaloob ng Dios.

14 Nalalaman ko, na anomang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa man: (B)walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis: at ginawa ng Dios, upang ang tao ay matakot sa harap niya.

15 (C)Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na.

Read full chapter