Add parallel Print Page Options

Sapagka't nalalaman ng mga buháy, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman (A)ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala (B)sa kanila ay nakalimutan.

Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.

Yumaon ka ng iyong lakad, (C)kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan, at uminom ka ng iyong alak na may masayang puso; sapagka't tinanggap na ng Dios ang iyong mga gawa.

Read full chapter