Font Size
Efeso 5:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Efeso 5:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, 14 at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag.[a] Kaya't sinasabi,
“Gumising ka, ikaw na natutulog,
bumangon ka mula sa libingan,
at liliwanagan ka ni Cristo.”
15 Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang.
Read full chapterFootnotes
- 14 at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag: o kaya'y ang nalalantad ay nagiging liwanag .