Exodo 10:12-14
Ang Biblia (1978)
Ang salot ng mga balang.
12 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (A)Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Egipto, upang magdala ng mga balang, at bumaba sa lupain ng Egipto, (B)at kumain ng lahat na halaman sa lupain, yaong lahat na iniwan ng granizo.
13 At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa lupain ng Egipto, at ang Panginoo'y nagpahihip ng hanging silanganan sa lupain ng buong araw na yaon, at ng buong gabi; at nang maumaga, ang hanging silanganan ay nagdala ng mga balang.
14 (C)At ang mga balang ay bumaba sa buong lupain ng Egipto, at nagsipagpahinga sa lahat ng hangganan ng Egipto; totoong napakakapal; (D)bago noon ay hindi nagkaroon ng gayong balang, at hindi na magkakaroon pa, pagkatapos noon, ng gayon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978