Font Size
Exodo 13:11-13
Ang Biblia, 2001
Exodo 13:11-13
Ang Biblia, 2001
Ang Pagtatalaga ng Panganay
11 “Kapag dinala ka na ng Panginoon sa lupain ng Cananeo, gaya ng ipinangako sa iyo at sa iyong mga ninuno, at pagkabigay niyon sa iyo,
12 ibubukod(A) mo para sa Panginoon ang lahat ng nagbubukas ng bahay-bata. Lahat ng panganay na lalaki ng iyong mga hayop ay sa Panginoon.
13 Bawat panganay ng asno ay tutubusin mo ng isang kordero;[a] at kung hindi mo tutubusin ito, iyong babaliin ang leeg nito. Lahat ng mga panganay na lalaki sa iyong mga anak ay iyong tutubusin.
Read full chapterFootnotes
- Exodo 13:13 o kambing na lalaki .