Add parallel Print Page Options

At mangyayari, na (A)pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Hebreo, at ng Jebuseo, na kaniyang (B)isinumpa sa iyong mga magulang, na ibibigay sa iyo, na lupang (C)binubukalan ng gatas at pulot ay iyong (D)ipangingilin ang paglilingkod na ito sa buwang ito.

(E)Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, at sa ikapitong araw ay magiging isang kapistahan sa Panginoon.

Tinapay na walang lebadura ang kakanin sa loob ng pitong araw, at huwag makakakita sa iyo, ng tinapay na may lebadura, ni makakakita ng lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan.

Read full chapter