Font Size
Exodo 14:23-25
Magandang Balita Biblia
Exodo 14:23-25
Magandang Balita Biblia
23 Hinabol sila ng mga Egipcio hanggang sa dagat. Ang mga ito'y mga kawal ng Faraon na nakasakay sa mga karwahe at mga kabayo. 24 Nang magbubukang-liwayway na, ang mga Egipcio'y ginulo ni Yahweh mula sa haliging apoy at ulap. 25 Napabaon[a] ang gulong ng mga karwahe at hindi na sila makahabol nang matulin. Kaya sinabi nila, “Umalis na tayo rito sapagkat si Yahweh na ang kalaban natin.”
Read full chapterFootnotes
- Exodo 14:25 Napabaon: Sa ibang manuskrito'y Natanggal .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
By Philippine Bible Society