Exodo 18:20-22
Ang Biblia (1978)
20 At ituturo mo sa kanila ang mga palatuntunan, at ang mga kautusan, at ipakikilala mo sa kanila ang (A)daang nararapat lakaran, at ang gawang kanilang nararapat gawin.
21 Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng (B)mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, (C)na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:
22 At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: (D)at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, (E)at magpapasan silang katulong mo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978