Add parallel Print Page Options

21 Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng (A)mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, (B)na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:

22 At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: (C)at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, (D)at magpapasan silang katulong mo.

23 Kung gagawin mo ang bagay na ito, at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata, at ang buong bayan namang ito ay uuwing (E)payapa.

Read full chapter