Font Size
Exodo 2:22-24
Magandang Balita Biblia
Exodo 2:22-24
Magandang Balita Biblia
22 Dumating ang araw na si Zipora'y nanganak ng isang lalaki. Sabi ni Moises, “Ako'y dayuhan sa lupang ito, kaya tatawagin kong Gersom[a] ang batang ito.”
23 Pagkalipas ng mahabang panahon, namatay ang Faraon ngunit dumaraing pa rin ang mga Israelita sa patuloy na pang-aalipin sa kanila ng mga Egipcio. 24 Narinig(A) ng Diyos ang kanilang daing at naalala niya ang ginawa niyang kasunduan kina Abraham, Isaac at Jacob.
Read full chapterFootnotes
- Exodo 2:22 GERSOM: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Gersom” at “dayuhan” ay magkasintunog.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
By Philippine Bible Society