Font Size
Exodo 20:22-24
Ang Biblia, 2001
Exodo 20:22-24
Ang Biblia, 2001
Ang Utos tungkol sa mga Idolo at mga Altar
22 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel: ‘Kayo ang nakakita na ako'y nakipag-usap sa inyo mula sa langit.
23 Huwag kayong gagawa ng mga diyos na pilak na iaagapay sa akin ni huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diyos na ginto.
24 Isang dambanang lupa ang iyong gagawin para sa akin, at iyong iaalay doon ang iyong mga handog na sinusunog, mga handog pangkapayapaan, mga tupa, at mga baka. Sa lahat ng dakong aking ipapaalala ang aking pangalan ay pupunta ako sa iyo at pagpapalain kita.
Read full chapter