Add parallel Print Page Options

At ito ang mga kasuutang kanilang gagawin; (A)isang pektoral, at isang (B)epod, at (C)isang balabal, at (D)isang tunika na tinahing guhitguhit na naaanyong pariparisukat, isang mitra at isang pamigkis: at kanilang igagawa ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak, upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.

At kukuha sila ng ginto, at ng (E)kayong bughaw, at ng kulay-ube, at ng pula, at ng lino.

Ang epod at ang pektoral.

At kanilang (F)gagawin ang epod na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, pula, at linong pinili, na (G)yari ng bihasang mangbuburda.

Read full chapter