Add parallel Print Page Options

32 At kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang laman ng tupa, at ang (A)tinapay na nasa bakol sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

33 At (B)kanilang kakanin ang mga bagay na yaon, na ipinangtubos ng sala, upang italaga at pakabanalin sila: datapuwa't (C)hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa, sapagka't mga bagay na banal.

34 At kung may lumabis sa laman na itinalaga, o sa tinapay, hanggang sa kinaumagahan, ay iyo ngang susunugin sa apoy ang labis: (D)hindi kakanin, sapagka't yao'y banal.

Read full chapter