Font Size
Exodo 34:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 34:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
22 “Ipagdiriwang(A) ninyo ang Pista ng mga Sanlinggo, ang unang pag-aani ng trigo, gayon din ang Pista ng mga Tolda tuwing matatapos ang taon.
23 “Tatlong beses isang taon, ang mga lalaking Israelita ay haharap sa Panginoong Yahweh, ang Diyos ng Israel. 24 Kapag napalayas ko na ang mga taong daratnan ninyo at lubusan na ninyong nasakop ang kanilang lupain, wala nang sasalakay sa inyo sa mga araw na kayo'y haharap sa akin.
Read full chapter