Font Size
Exodo 34:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 34:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Bumabâ sa Bundok si Moises
29 Mula(A) sa Bundok ng Sinai, bumabâ si Moises na dala ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng mga utos. Hindi niya namamalayan na dahil sa pakikipag-usap niya kay Yahweh ay nagniningning pala ang kanyang mukha. 30 Nang makita ito ni Aaron at ng mga Israelita, natakot silang lumapit. 31 Ngunit tinawag sila ni Moises. Lumapit naman si Aaron at ang mga namumuno sa Israel at sila'y nag-usap.
Read full chapter