Font Size
Exodo 34:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 34:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Si(A) Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises at sinabi niya, “Akong si Yahweh ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako'y nananatiling tapat. 7 Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong ipinapatawad ang kanilang kasamaan, pagsuway at pagkakasala. Ngunit hindi ko pinalalampas ang kasalanan ng ama at ang pagpaparusa ko'y hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.”
8 At mabilis na lumuhod si Moises, at sumamba kay Yahweh.
Read full chapter