Add parallel Print Page Options

22 Nagbuntis si Zipora at nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan ito ni Moises na Gershom,[a] dahil sinabi niya, “Dayuhan ako sa lupaing ito.”

23 Pagkalipas ng maraming taon, namatay ang hari ng Egipto. Pero patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Israelita sa kanilang pagkaalipin. Humingi sila ng tulong at umabot sa Dios ang kanilang hinaing. 24 Narinig ng Dios ang kanilang hinaing, at inalala niya ang kanyang kasunduan kina Abraham, Isaac, at Jacob.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:22 Gershom: Maaaring ang ibig sabihin, dayuhan.