Font Size
Exodus 39:6-8
Ang Salita ng Diyos
Exodus 39:6-8
Ang Salita ng Diyos
6 Ikinabit nila ang mga batong onix sa balangkas na ginto. Inukitan nila ito ng pangalan ng mga anak ni Jacob[a] gaya ng pagkakaukit sa pantatak. 7 Ikinabit nila ito sa mga tirante ng espesyal na damit bilang mga alaalang bato para sa lahi ng Israel. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
Ang Bulsa na Nasa Dibdib(A)
8 Gumawa rin sila ng bulsa na nasa dibdib at napakaganda ng pagkakagawa nito. Ang tela nitoʼy katulad din ng tela ng espesyal na damit: pinong telang linen na binurdahan gamit ang gintong sinulid, lanang kulay asul, ube at pula.
Read full chapterFootnotes
- 39:6 Jacob: sa Hebreo, Israel.
Ang Salita ng Diyos (ASND)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica