Add parallel Print Page Options

12 At yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy; (A)kung saan naparoroon ang espiritu, doon sila nangaparoroon; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon.

13 Tungkol sa anyo ng mga nilalang na may buhay, ang kanilang katulad ay parang mga (B)bagang nagniningas; (C)parang mga sulo: ang apoy ay tumataas at bumababa sa gitna ng mga nilalang na may buhay at ang apoy ay maningas, at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat.

14 At ang mga nilalang na may buhay ay nagsitakbo at nagsibalik na parang (D)kislap ng kidlat.

Read full chapter