Font Size
Ezekiel 12:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 12:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 Ang mga nasasakupan niya ay pangangalatin ko sa lahat ng dako, ang kanyang mga lingkod at buong hukbo. Ang mga ito'y uusigin ko sa pamamagitan ng tabak. 15 At kung mapangalat ko na sila sa iba't ibang lugar, makikilala nilang ako si Yahweh. 16 Ngunit may ilan akong ititira sa kanila para saanman sila mapunta ay maikuwento nila ang kasuklam-suklam nilang gawain. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.”
Read full chapter