Font Size
Ezekiel 12:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ezekiel 12:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
5 Butasan mo ang dingding ng iyong bahay at doon ilabas ang iyong mga dala-dalahan. 6 Habang nakatingin sila, pasanin mo ang mga dala-dalahan moʼt lumakad ka sa gabi. Takpan mo ang iyong mukha para hindi makita ang lupain na iyong iiwan. Ang gagawin mong ito ay magiging babala sa mga mamamayan ng Israel.”
7 Kaya sinunod ko ang utos ng Panginoon. Maaga kong inihanda ang mga dadalhin ko at pagsapit ng gabi ay binutasan ko ang dingding ng bahay ko. At habang nanonood sila, pinasan ko ang mga dala ko at lumakad.
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®