Ezekiel 14:4-6
Ang Biblia (1978)
4 Kaya't salitain mo sa kanila, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bawa't tao sa sangbahayan ni Israel na nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta; akong Panginoon ay sasagot sa kaniya roon ng ayon sa karamihan ng kaniyang mga diosdiosan;
5 (A)Upang aking makuha ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling puso sapagka't silang lahat ay nagsilayo sa akin dahil sa kanilang mga diosdiosan.
6 Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Mangagbalik-loob kayo, at kayo'y magsitalikod sa inyong mga diosdiosan; at ihiwalay ninyo ang inyong mga mukha sa lahat ninyong kasuklamsuklam.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978