Add parallel Print Page Options

13 Ganito ka nagayakan ng ginto at pilak; at ang iyong damit ay mainam na kayong lino, at sutla at yaring may burda; ikaw ay kumain ng mainam na harina, at ng pulot, at ng langis; at (A)ikaw ay lubhang maganda, at ikaw ay guminhawa sa kalagayang pagkahari.

14 At ang iyong kabantugan ay (B)nangalat sa gitna ng mga bansa dahil sa iyong kagandahan; sapagka't naging sakdal dahil sa aking kamahalan na aking inilagay sa iyo, sabi ng Panginoong Dios.

Ang walang pigil na kasalanan ay inilarawan.

15 Nguni't ikaw ay tumiwala sa iyong kagandahan, at (C)nagpatutot dahil sa iyong kabantugan, at ikinalat mo ang iyong mga pakikiapid sa bawa't nagdaraan; yao'y kaniya nga.

Read full chapter