Add parallel Print Page Options

38 At (A)aking hahatulan ka na gaya ng hatol sa mga babaing nangangalunya at nagbububo ng dugo; at aking dadalhin sa iyo ang dugo ng kapusukan at ng paninibugho.

39 Ikaw ay ibibigay ko rin sa kanilang kamay, at kanilang ibabagsak ang iyong matayog na dako, at (B)igigiba ang iyong mga mataas na dako, (C)at kanilang huhubaran ka ng iyong mga suot, at kukunin ang iyong magandang mga hiyas; at kanilang iiwan ka na hubo at hubad.

40 Sila naman ay mangagaahon ng isang pulutong laban sa iyo, (D)at babatuhin ka nila ng mga bato, at palalagpasan ka ng kanilang mga tabak.

Read full chapter