Ezekiel 17:15-17
Ang Biblia (1978)
15 (A)Nguni't siya'y nanghimagsik laban sa kaniya sa pagpapadala ng kaniyang mga sugo (B)sa Egipto, upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at maraming tao. Giginhawa baga siya? makatatanan baga siya na gumagawa ng ganyang mga bagay? makatatahan kaya siya na sumira ng tipan?
16 Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, tunay na sa dakong tinatahanan ng hari na pinaggawaan sa kaniyang hari, na ang sumpa ay hinamak niya, at ang tipan ay sinira niya, siya nga'y mamamatay (C)sa gitna ng Babilonia na kasama niya.
17 Kahit si Faraon man sangpu ng kaniyang makapangyarihang hukbo at malaking pulutong sa pakikidigma ay (D)walang magagawa, pagka sila'y mangagtitindig ng mga bunton; at mangagtatayo ng mga katibayan, upang pumatay ng maraming mga tao.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978