Font Size
Ezekiel 18:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 18:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 “Halimbawa na may isang taong masunurin sa Kautusan, tapat at lumalakad sa katuwiran. 6 Hindi siya nakikisalo sa handog na inihain sa mga sagradong burol, hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan ng Israel. Hindi siya nangangalunya ni sumisiping sa babaing kasalukuyang nireregla. 7 Hindi siya nandadaya ng kapwa o nagnanakaw. Ibinabalik niya agad sa may-ari ang sangla ng nangungutang sa kanya. Marunong siyang tumulong sa nangangailangan.
Read full chapter