Ezekiel 20:11-13
Ang Biblia (1978)
11 At ibinigay ko (A)sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon.
12 Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga (B)sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na (C)ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
13 Nguni't ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin sa ilang: sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, na kung gawin ng tao, ay mabubuhay sa mga yaon; at ang aking mga sabbath ay kanilang nilapastangang mainam. (D)Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila sa (E)ilang, upang lipulin sila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978